Mahigit P15M halaga ng shabu nasabat ng mga awtoridad sa Oriental Mindoro

Mahigit P15M halaga ng shabu nasabat ng mga awtoridad sa Oriental Mindoro

NAARESTO ng mga awtoridad mula sa lalawigan ng Oriental Mindoro ang dalawang drug personality at bulto-bultong ilegal na droga matapos ang ginawang buy-bust operation.

Ang nabanggit na operasyon ay pinangunahan ng PDEA Oriental Mindoro Provincial Office katuwang ang Roxas Municipal Police Station, PDEG SOU 4B, PDEA Calapan-SIU, NBI MIMAROPA, PNP-Drug Enforcement Unit at PNP Mobile Group Battalion.

Kinilala naman ang mga nahuling suspek na sina Josephose Pintal at Jezper Cañete na pawang mga distribyutor umano ng ilegal na droga ang mga suspek.

Base sa impormasyon ng mga awtoridad mula National Capital Region (NCR) dinadaan ng mga suspek ang droga sa nabanggit na probinsiya upang ihatid ito sa mga karatig na rehiyon.

Nakuha mula sa mga suspek ang humigit-kumulang dalawang libong gramo ng suspected shabu na tinatayang aabot sa mahigit P15M ang halaga.

Kasong paglabag sa Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga nahuling suspek.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble