KUMPISKADO ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa mahigit na P20M na halaga ng smuggled na langis mula sa dalawang sea vessels sa Navotas City.
Ito ay kasunod ng isinagawang anti-smuggling operations ng Philippine Coast Guard at Customs Investigation and Intelligence Service – Manila International Container Port pagkaraang makatanggap ng impormasyon ng illegal fuel transfer o modus ng “pa-ihi” sa lugar.
Nahuli pa ng mga awtoridad sa akto ang ginagawang pa-ihi ng dalawang fuel tanker na may kargang 370, 000 liters na langis para makaiwas sa pagbabayad ng buwis.
Hindi rin nakapasa ang mga ito sa fuel marking testing ng mga awtoridad.
Ang dalawang oil tankers ay nasa kustodiya na ng Customs.