Mahigit P82-B na halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa ilalim ng Duterte admin –PDP-Laban

Mahigit P82-B na halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa ilalim ng Duterte admin –PDP-Laban

IPINAGMALAKI ng PDP-Laban ang bilyong pisong halaga ng iligal na droga na nakumpiska ng pamahalaan sa ilalim ng Duterte administration.

Ayon sa partido kung saan si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang chairman, nasa P82.29-B na iligal na droga ang nasabat ng mga otoridad mula July 2016-April 2022.

Kabuuang 1,156 drug dens din ang nakubkob habang 19 na clandestine shabu laboratories ang sinira ng mga otoridad.

Habang higit 15,000 na high-value targets (HVTs) sa buong bansa ang nahuli batay sa accomplishment report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kaya naman nanawagan si PDP-Laban President at Palawan Rep. Jose “Pepito” Alvarez sa Marcos administration na ipagpatuloy ang istilo ng giyera kontra iligal na droga ng Duterte administration para ma-sustain ang gains ng pamahalaan sa problemang ito ng lipunan.

Giit ni Alvarez, kung hindi maipagpapatuloy ang kampanya ay maghahasik na naman ng lagim ang mga sindikato ng iligal na droga sa bansa.

“Napakalaki ng naging tagumpay ng Duterte administration laban sa kriminalidad at iligal na droga. Dapat ito ay mas palakasin ng Marcos administration,” saad ng pangulo ng PDP-Laban.

Follow SMNI NEWS in Twitter