SA papalapit na pagsisimula ng klase, dapat mas paigtingin ang pagbabantay sa mga kabataan na gumagamit ng internet ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ngayong Agosto 29, magbubukas na muli ang klase sa buong bansa. At nanatili pa rin ang opsiyong gawin ang pagtuturo online sa ilalim ng Blended Learning Delivery Modality (BLDM).
Kaya naman may ilang paalala si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ, lalo na sa mga kabataang gumagamit ng internet.
Sa programang Give Us This Day nitong Huwebes, Agosto 24, hinimok ni Pastor Apollo ang mga magulang at mga guro na bantayan ang mga kabataang estudyante mula sa mga panganib sa internet.
Ito’y kasunod ng isinagawang pag-aaral na nagpapakita na 20% o tinatayang 2 milyong kabataan na gumagamit ng internet mula 12-17 anyos sa Pilipinas ay naging biktima ng online sexual exploitation at abuse sa loob laman ng isang taon.
Binigyang-diin ni Pastor Apollo na kinakailangan ang masusi at marubdob na pagbabantay sa mga kabataan sa kanilang paggamit sa internet dahil sa panganib at mga temtasyon na gamitin ang internet sa mga maling dahilan.
“Grabe ngayon, iyan ang pinakamalaking problema noh. So, there should be a critical balance of using the internet amongst the minors and it is the responsibility not only of the school teachers or especially the responsibility of the parents na kailangan bantayan ang kanilang mga anak.”
“Kailangan bantayan talaga iyan. So, sinabi ko there should be a critical balance of using the internet for good and also the danger of being tempted to go to the other side —the darkside of the internet which promotes these kinds of illegal activities, especially the exploitation of children, and the Philippines is one of the victims of them.”
“So, kinakailangan talaga diyan ang masubsob at masusing pagbabantay. Kasi ngayon napakadali ng ganyan eh, ang lahat may internet, lahat may computer, lahat may laptop, isang click mo lang, dalawang click nandoon ka na,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.
Dagdag pa ng butihing Pastor na dahil sa internet at social media, ang lahat ng uri ng tsismis, maling balita at ibang bagay na nakasisira ng utak ay madali na lang kumalat at tanggapin ng mga tao kaya’t kinakailangang bantayan ang mga kabataan sa kanilang naririnig at nakikita dahil ani Pastor Apollo.
“Noon, mag-tsismis ka lalakad ka pa sa ibang baryo o barangay para makapag-tsismis ka. Ngayon, hindi na; through internet at social media pwede mong ikalat ang tsismis na gusto mo, di ba? Ganun ngayon kadali ang paninira sa utak ng kabataan.”
“Kaya kailangan bantayan ang lahat ng napapakinggan, ang lahat ng nakikita. Biruin niyo, itong mata at ating tenga napakalapit sa utak. So, ‘yung basurang balita, fake news, mga gossip news, mga paninirang balita sa internet, napakadaling tanggapin ng tao.”
“Iyong mga gossipers, iyan madaling paniwalaan ng tao iyan iyang gossips, gossipers. Ang gossip iyan ay mga basura.”
“Di ba ngayon sa ating panahon, iyang kapitbahay mo magtapon ng basura diyan sa iyong bakuran, makikipag-away ka. Ngayon ang tapunan ng basura ang tenga ng tao, napakadali, pag pumasok diyan kaagad-agad pasok sa utak, pagpasok sa utak poison ka na, lalabas sa bibig mo, paglabas sa bibig mo kung ano ‘yung basura iyon din ang lalabas sayo.”
“Kaya ingatan ang mga kabataan sa mga basurang naririnig nila at mga basurang nakikita nila. Lalo na ‘yung basurang nakikita ‘yung pornography, napakalaking negosyo niyan tapos papasok iyan. Kung malapit ang tenga sa utak mas malapit ang mata sa utak, dalawang pulgada lang o, ito may tatlo pa, ito dalawa lang, pag nakita mo, pasok sa utak tapos poison ka na. Pagkatapos magbabago na ‘yung isip mo magiging poison na ang isip mo tapos ‘yung naisip mo magiging item na poison na lalabas sa iyong pag-uugali kasi “what you see, is what you will become”, kaya ganun ang nangyayari.”
“Kaya masusi at marubdob na pagbabantay ang kinakailangan sa panahong ito lalo na sa ating mga kabataan,” paliwanag ni Pastor Apollo.