“Maid In Malacañang” sequel, sisentro sa pagkamatay ni Ninoy Aquino at sa bintang na natanggap ng pamilya Marcos

“Maid In Malacañang” sequel, sisentro sa pagkamatay ni Ninoy Aquino at sa bintang na natanggap ng pamilya Marcos

ISA sa iikutan ng sequel ng “Maid In Malacañang” ang buhay ni Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. at ang nangyaring assassination nito sa noo’y Manila International Airport (MIA).

Sa isang interview na ginawa ni political vlogger Coach Jarret kay Director Darryl Yap, ang isyung ito hinggil sa pagkamatay ni Ninoy ang isa sa mabigat na akusasyong natanggap ng pamilya Marcos.

Ito ang dahilan kung kaya’t nais ni Yap na isa ito sa sentro ng second installment ng pinaplano nitong Marcos Trilogy.

Aniya, kung ninanais talaga ng pamilya Aquino na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Ninoy, siguro’y mas maganda kung hindi hinayaan nila na hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung sino ang killer.

Pawang bintang lang ang ginagawa nila laban sa mga Marcos.

Samantala, pagkatapos ng sequel na itong may pamagat na “Martyr or Murderer”, susundan naman ito ng “Mabuhay Aloha Mabuhay”.

Sisentro ito sa naging buhay ng pamilya Marcos sa Hawaii hanggang makabalik sila sa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter