IBINIDA ni Dr. Richard Dixon Gomez sa mga mamamahayag ang mga makabagong laboratory equipment na may kakayahang gumawa ng halamang gamot.
Ang Bauertek Corp Labolatory ay itinayo sa may Guiguinto Bulacan na pinayagan ng Food and Drug Administration (FDA), at ng Department of Health (DOH).
Ito ay lisensiyado sa paggawa ng lahat ng uri ng halamag gamot, food supplement, at cosmetics.
Sa isinagawang health forum sa Tomas Morato Quezon City, isinusulong din ni Dr. Gomez ang medical cannabis sa Pilipinas na ginagamit na sa ibang bansa tulad ng Thailand.
Aniya ang medical cannabis ay matagal nang gamot na ginagamit ng mga maysakit sa ibang bansa, bakit sa Pilipinas ay pinagbabawal pa rin ito.