INIHAYAG ni Pastor Apollo C. Quiboloy na puro kasinungalingan ang ipinapakalat na propaganda ng League of the Filipino Students (LFS) kaugnay sa panukalang mandatory ROTC.
Kasunod ito ng panawagan ng makakaliwang grupo ng mga kabataan na huwag ipatupad ang mandatory ROTC.
Sa isang Twitter post ng isang miyembro ng LFS, inilahad nito na hindi dapat suportahan ang mandatory ROTC dahil una, ito aniya’y banta sa academic freedom, nagsusulong ng ‘fake nationalism’ o huwad na pagiging makabayan, nagbubunga ng kultura ng karahasan at korapsyon, at aksaya lamang aniya sa pondo ng bayan.
Tugon naman ni Pastor Apollo, hindi banta sa academic freedom at hindi rin totoo na huwad ang pagiging makabayan na isinusulong ng panukala, kundi banta ito sa rebeldeng kilusan ng New People’s Army.
Dagdag pa ng butihing Pastor, kung maipatutupad ang mandatory ROTC ay mapipigilan ang recruitment ng mga makakaliwang grupo na magpasampa sa NPA.
Naniniwala naman si Pastor Apollo na hindi sayang ang pondo para sa mandatory ROTC lalo na’t matuturuan ang mga kabataan ng tunay na pagiging makabayan.