TULUYAN nang nabuwag ng militar ang isang Communist Terrorist Group (CTG) sa Agusan del Sur matapos sumuko ang kanilang lider at limang miyembro.
Partikular silang sumuko sa tropa ng 26th Infantry Battalion na pinangungunahan ni Lieutenant Colonel Sandy Majarocon.
Ibinaba rin nila ang 3 high-powered firearms at 3 low-powered firearms.
Ayon sa mga rebelde, sumuko sila dahil sa takot sa kanilang buhay, kakapusan sa suplay ng pagkain, malayo sa kanilang mga pamilya at mga anak, at kawalan ng suporta mula sa kanilang samahan.
Sa kasalukuyan, sumasailalim ang 6 na surrenderees sa medical check-up, assessments, documentation, at counselling bilang paghahanda sa pagpasok nila sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).