Makati City, isinusulong ang pakikiisa kontra climate change

Makati City, isinusulong ang pakikiisa kontra climate change

PINAPLANO na ng Makati City ang pagbili at pagkakaroon ng electric vehicles sa lungsod at pag-iinstall ng solar panels sa public schools at government agencies.

Pakikiisa aniya ito ng lungsod tungo sa pakikipaglaban kontra climate change.

Maliban pa dito, strikto ring ipinatutupad ang solid waste management code, Makati green building code, plastic ban sa mga kabahayan at business establishments, cigarette smoking ban, anti-smoke belching ordinance at green house reduction ordinance sa lungsod.

 Namumuhunan na rin ang Makati ng mga state-of-the-art disaster equipment at namamahagi na rin ng emergency go bags at hard hats sa mga residente, public school students at city hall workers bilang parte ng pagiging handa laban sa kalamidad simula pa noong 2017.

Punto ng local government unit, kahit sa maliliit na hakbang ay makatutulong sa national government upang mapababa ang carbon emmission ng bansa at maresolba ang init ng klima na nararanasan sa kasalukuyan.

Follow SMNI News on Twitter