NANATILI pa ring pinakamayamang lungsod sa bansa ang Makati City na may P233.7 bilyong total assets noong nakaraang taon 2019.
Batay ito sa inilabas na Annual Financial Report on Local Government Units ng Commission on Audit para sa taong 2019.
Pumangalawa naman sa pinakamayamang lungsod ang Quezon City na may total worth of assets na P96 bilyon; sumunod ang Manila na may P64 bilyon; Pasig City na may P45 bilyon at pang-lima ang Cebu City na may P34 bilyon.
Pasok din sa top 10 na pinakamayang lungsod ang Mandaue na may total worth of asset na P32 billion; Taguig na may P29 billion; Caloocan na may P20 billion; Pasay na may P19.79 billion at Davao City na may P19.78 billion.
Sa mga probinsiya, ang Cebu ang pinakamayan na may total assets na P203 bilyon; sumunod ang Batangas na may P20.79 billion; Rizal na may P20.27 billion at Davao de Oro na may P20 billion worth of assets.
Ang kumupleto sa Top 10 richest provinces list ay ang Bukidnon na may P18 billion, Surigao del Norte na may P16 billion, Negros Occidental na may P15 billion, Leyte na may P13.5 billion, Palawan na may P13.036 billion at Iloilo na may P13.034 billion.