Makati City, napili bilang leader ng CityNet’s Disaster Cluster –Mayor Abby

Makati City, napili bilang leader ng CityNet’s Disaster Cluster –Mayor Abby

NAPILI ang Makati City bilang leader ng disaster cluster ng CityNet, ang pinakamalaking samahan ng mga stakeholder sa lungsod na naglalayong isulong ang sustainable development sa rehiyon ng Asia-Pacific.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, nagpulong ang CityNet’s Disaster Cluster noong Setyembre kung saan muling nagpahayag ng interes ang lungsod sa paglilingkod sa cluster matapos itong maging co-lead sa loob ng 4 na taon.

Pagkatapos ng pulong, ang Makati City ay nahalal din upang maging bise-presidente ng CityNet para sa 2023-2026 kasama ang Kuala Lumpur sa Malaysia.

Bilang pangulo ng CityNet’s National Cluster sa bansa, sinabi ni Binay na patuloy na pagbubutihin at palalakasin ng Makati City ang Disaster Risk Reduction and Management Capabilities nito at ibabahagi ang kaalaman nito sa iba pang local government units (LGUs) sa bansa.

Dagdag pa ng alkalde, layunin niyang gawing pinakaunang resiliency hub sa bansa at sa buong Southeast Asia ang Makati City para maging inspirasyon ito sa iba pang LGUs sa paglikha ng sarili nilang Disaster Risk Reduction and Management Plans, Climate Action, at Sustainability.

Follow SMNI NEWS in Twitter