Makati Mayor Abby Binay, posibleng tatakbo bilang alkalde ng Taguig

Makati Mayor Abby Binay, posibleng tatakbo bilang alkalde ng Taguig

POSIBLENG tatakbo bilang alkalde ng Taguig City si Makati City Mayor Abby Binay.

Ito ay matapos sabihin ni Binay na hindi nito isinantabi ang pagtakbo bilang alkalde ng Taguig City sa susunod na termino.

Ipinunto ni Binay na bagama’t marami siyang magagawa sa naturang lungsod ay isang mahirap na desisyon pa rin ang gagawing pagtakbo sa Taguig.

Isa aniya dito ay hindi siya pamilyar sa lugar.

Matatandaan na nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ng Taguig at Makati nang ilabas ng Supreme Court ang desisyong ang Taguig ang may tunay na hurisdiksiyon sa Fort Bonifacio Military Reservation at sa 10 barangay na sakop ng Makati.

Kahapon, Agosto 23, matapos payagan ng Department of Education ay isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Makati ang pamamahagi ng school supplies sa Pembo Elementary School at Benigno Ninoy Aquino High School.

Ang dalawa sa 14 na paaralang sakop ng Makati na ngayon ay inilipat na sa Taguig.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble