Makati Med, mariing kinondena ang umano’y paglabag sa protocol ni Sen. Pimentel

LUMABAG sa ipinatutupad na protocol ng Makati Medical Center (MMC) si Sen. Aquilino “Koko’ Pimentel III.

Ito’y matapos na pumasok sa ospital ang senador na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Dr. Saturnino Javier, Med. Dir. ng MMC, “Senator Aquilino Martin D. Pimentel III, whose result for COVID-19 testing turned out to be positive, brought his wife to the hospital for delivery via cesarean section. By being in MMC, thus, unduly exposed healthcare workers to possible infection.”

Kaugnay nito ayon sa MMC, ilang doktor at nurse nila ay kailangang isailalim sa quarantine dahilan upang mabawasan ang kanilang work force.

“The entire Delivery Room Complex will have to undergo the decontamination and disinfection before it can be used,” dagdag pa ni Dr. Javier.

Dahil dito, mariing kinondena ni Dr. Javier ang anya’y “irresponsible and reckless action” ng senador.

Senator Aquilino Martin Pimentel III breached MakatiMed hospital infection control protocols. March 24, 2020 -…

Posted by Makati Medical Center on Wednesday, 25 March 2020

Ang ginawa ng senador ay dagdag pasanin aniya ng ospital na kasalukuyang kinakaharap ang banta ng COVID-19.

“Mr. Pimentel, should have realized the ardent desire of every well-meaning Filipino and every dedicated healthcare institution to contain the spread of the infection,” pagbibigay diin pa ni Dr. Javier.

Sa huli, dinadalangin ng ospital na wala sa kanilang healthcare staff ang madapuan ng nakakamatay na virus.

Samantala, iginiit naman ni Sen. Pimentel na hindi pa niyia alam na positibo siya sa COVID-19 nang siya ay pumunta sa MMC.

“Nagpa-schedule na kami ng delivery ngayong umaga. ‘Di ko naman alam na positive ako, kasi 7 pm, 6 pm, bumibiyahe na kami papuntang ospital. 7 pm, nandoon na kami. 9 pm, ako tinawagan to tell me, then umalis na ako agad. The wife is giving birth na,” saad ni Sen. Pimentel.

Dugtong pa nito, hindi siya pumasok sa delivery room at nasa corridor lang siya nang tumawag ang taga-RITM para sabihin na nagpositibo siya sa COVID-19.

Agad naman siyang umalis sa ospital matapos siyang payuhan ng kaniyang kakilalang doktor sa MMc na napagsabihan niya sa natanggap nitong masamang balita.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.