Makukulay na Morion Costume, muling ipinamalas sa Pola bilang bahagi ng pananampalataya at kultura

Makukulay na Morion Costume, muling ipinamalas sa Pola bilang bahagi ng pananampalataya at kultura

TULOY pa rin ngayong taon ang isa sa pinakakilalang tradisyon tuwing Semana Santa sa Pola, Oriental Mindoro—ang pagsusuot ng Morion costume ng mga deboto bilang bahagi ng kanilang panata at debosyon.

Makikita sa mga kalsada ng Pola ang mga debotong nakasuot ng makukulay, makasaysayan, at masinsing ginawang Morion costumes, na kumakatawan sa mga sundalong Romano noong panahon ng pagpapakasakit ni Hesukristo.

Ang tradisyong ito ay hindi lamang pagsasalarawan ng kasaysayan ng pananampalataya, kundi isa ring mahalagang bahagi ng kulturang Polaeño, na patuloy na isinasabuhay at ipinagmamalaki ng mga mamamayan taon-taon.

Ipinapakita ng Moriones hindi lang ang talento sa sining at disenyo, kundi pati ang lalim ng pananampalatayang nakaugat sa kasaysayan ng mga Pilipino. Sa kabila ng pagbabago ng panahon, nananatiling buhay ang tradisyong ito bilang simbolo ng panata, sakripisyo, at pagkakakilanlan ng bayan ng Pola.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter