Mala ‘COVID-19’ monitoring sa rice stock ng Pilipinas, iminungkahi

Mala ‘COVID-19’ monitoring sa rice stock ng Pilipinas, iminungkahi

IMINUNGKAHI ang mala ‘COVID-19’ monitoring sa rice stock ng Pilipinas.

Nanawagan ngayon si House Committee on Social Services Chairman Ria Vergara sa Department of Agriculture (DA) na mahigpit na i-monitor ang inventory ng bigas sa bansa.

Sa kaniyang privilege speech sa Kamara, saad ni Vergara na dapat araw-araw ang inventory ng rice stock para malaman ang aktuwal na bilang ng suplay na hawak ng bansa.

Saad ng kinatawan ng Nueva Ecija 3rd District na maaaring gayahin ang ginawang daily COVID-19 updates noong kasagsagan ng pandemya sa pag-monitor sa stock ng bigas.

“I join President Marcos and call on the officials of the Department of Agriculture to closely monitor, verify and assess the country’s rice stock on a regular basis, either weekly, or a daily basis even, similar to the daily COVID reports of DOH at the height of COVID-19,” ani Congresswoman Vergara.

Nanawagan naman ang mambabatas sa Department of Trade and Industry (DTI) na magpatupad ng price ceiling sa basic commodities lalo na sa bigas para matiyak na walang overpricing na mangyayari sa pagtama ng El Niño.

Para matiyak ang food security, iminungkahi ng beteranang kongresista sa mga ahensiya ng gobyerno ang pagbuo ng Task Force para tiyakin ang mga sumusunod:

  • Walang hoarding
  • Walang price manipulation
  • At tulad ng India, walang exportation ng mga lokal na aning bigas sa ibang bansa sa mga darating na buwan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble