Malacañang, itinangging may favoritism ang pamahalaan sa deployment ng Pfizer vaccines

Malacañang, itinangging may favoritism ang pamahalaan sa deployment ng Pfizer vaccines

ITINANGGI ng Malacañang na may favoritism na pinaiiral ang pamahalaan sa mga lugar na binibigyan ng alokasyon ng Pfizer vaccines.

Sa ngayon kasi ay ang Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao ang binibigyan ng naturang bakuna.

Ayon kay Roque, ang nasabing mga lugar lamang kasi ang may sub-zero cold storage facility na pangunahing storage requirement para sa mga bakuna ng Pfizer.

Matatandaang nasa 193,000 doses ng Pfizer vaccine mula COVAX Facility ang dumating sa bansa.

Insentibo para magpabakuna, planong ilunsad ng DOH

Samantala, nag-iisip na rin ang Department of Health (DOH) ng posibleng insentibo para makahimok ng maraming Pilipino na magpabakuna kontra COVID-19.

Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasunod ng mga pakulo ng local government units para mahikayat ang kanilang mga nasasakupan na magpabakuna.

Ayon kay Vergeire, wala silang nakikitang mali sa mga LGU na may incentives para sa inoculation.

Sinabi ni Vergeire na maglalabas ang gobyerno ng guidelines at karagdagang impormasyon sakaling maisapinal na ang mga detalye ukol dito.

Matatandaang sa Las Piñas, may pagkakataon na manalo ang mga nabakunahan indibidwal ng house and lot, groceries at motorsiklo.

Habang sa Pampanga naman, baka ang papremyo sa mga residente na magpapaturok ng bakuna kontra COVID-19.

(BASAHIN: Sinovac, Pfizer, top vaccine brand na gusto ng mga Pilipino)

SMNI NEWS