Malacañang, nagpaabot ng pagbati kay gold medalist Mary Francine Padios

Malacañang, nagpaabot ng pagbati kay gold medalist Mary Francine Padios

NAGPAABOT ng pagbati ang Malacañang kay Pencak Silat Athlete Mary Francine Padios.

Ito ay dahil sa pagbibigay ng karangalan at kasiyahan sa bansa matapos masungkit ang kauna-unahang gold medal ng bansa sa ginaganap na 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar, ipinagmamalaki ng bansa si Padios na nagwagi sa Pencak Silat Women’s Seni (Artistic) Tunggal Single event.

Kasunod nito, nagpaabot din ng good luck ang Malacañang sa iba pang atleta ng Team Philippines na lalaban sa Hanoi.

Follow SMNI NEWS in Twitter