NAKIKIISA ang Office of the Press Secretary (OPS) sa paggunita ng National Public Health Emergency Preparedness Day ngayong araw, Disyembre 6, 2022.
Ayon sa OPS, isinusulong nito ang kahandaan at kaligtasan ng bawat isa sa panahon ng emergency o sakuna.
Idineklara ito sa bisa ng Proclamation No. 705 s. 1995 dahil isa sa nangungunang sanhi ng pagkamatay sa bansa ang health emergencies.
Layunin ng araw na ito na paigtingin ang pagbibigay ng impormasyon at kaalaman sa mga dapat gawin gaya ng first aid kung may emergency.
Hinimok naman ng OPS ang lahat na makiisa at alamin ang mga dapat gawing paghahanda sa oras ng emergency na maaaring sumagip ng buhay.