Malacañang, no comment sa committee report ng Senate Blue Ribbon kay Pangulong Duterte

Malacañang, no comment sa committee report ng Senate Blue Ribbon kay Pangulong Duterte

TUMANGGING magkomento ang Malacañang sa committee report ng Senate blue ribbon na nais papanagutin si Pangulong Rodrigo Duterte dahil umano sa betrayal of public trust.

Ayon kay acting Presidential spokesperson Karlo Nograles, ito ay dahil hindi pa naman pinal ang findings ng panel.

Wala din aniyang kopya ng inisyal report ang Malacañang.

Gayunpaman, siniguro ni Nograles sa publiko na hindi hahayaan ni Pangulong Duterte ang korupsyon at hindi makikialam sa paghahain ng criminal charges laban sa mga may pananagutan.

SMNI NEWS