Malacañang walang tinatago sa kabila ng panawagan ng ihinto na ang Senate probe vs DOH

Malacañang walang tinatago sa kabila ng panawagan ng ihinto na ang Senate probe vs DOH

MARIING itinanggi ng Palasyo na walang tinatago ang ehekutibo sakabila ng kanilang panawagan na ihinto na ng Senado ang imbestigasyon laban sa Department of Health (DOH).

Paglilinaw ng Palasyo, wala namang overpricing at dapat nang mag move on ang mga senador.

Muli ring nagpaliwanag ang tagapagsalita ng Palasyo kung bakit sa Pharmally Pharmaceutical Corporation na-award ang mahigit walong bilyong kontrata para sa paggawa ng mga PPEs at facemasks.

Isyu kasi sa mga senador na sakabila na mayroon lamang 600,000 na kapital ay dito na-award ang kontrata.

Samantala, nagpalabas na ng lookout bulletin order ang Department of Justice (DOJ) laban kina dating PS DBM Head Lloyd Christopher Lao at sa pito pang inbidwal na isinasangkot sa mga anomalya sa pagbili ng PPE’s.

Maliban kay Lao, kabilang sa listahan sina Overall Deputy Ombudsman Atty. Warren Rex Liong, Twinkle Dargani, Huang Tzu Yen, Krizle Grace Mago, Justine Garado, Lincoln Ong, at Mohit Dargani.

Sa ilalim ng kautusan, ang lahat ng mga travel movements ng mga naturang indibidwal ay mahigpit na susubaybayan para mapigilan ang kanilang posibleng paglabas ng bansa.

Sa kabila ng paulit-ulit na claims ng mga senador sa mga pagdinig ay patuloy ding nanindigan ang Duterte administration na walang tinatago o anomalya sa mga nabiling medical supplies tulad ng PPEs, facemasks at faceshields.

 

SMNI NEWS