Malakanyang at Kamara, nagpadala ng 100 bus dahil sa transport strike

Malakanyang at Kamara, nagpadala ng 100 bus dahil sa transport strike

NAGPADALA ng augmentation buses ang Malakanyang at ang House of Representatives para makatulong sa mga pasahero ngayong may isang linggong transport strike ang mga tutol sa Jeepney Modernization Program.

Nasa 100 bus ang ipinadala ng administrasyon sa pangunguna nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Romualdez, naka-deploy ang mga bus sa mga sumusunod na ruta:

  • Baclaran-Sucat
  • Baclaran–Dapitan
  • SM Sangandaan-Divisoria
  • Buendia-Guadalupe
  • Zobel-Roxas-Dulo (Sta. Ana)
  • DOST Bicutan-Sucat
  • Alabang-San Pedro
  • Alabang-Calamba
  • Philcoa-TM Kalaw
  • BFCT-Cubao
  • Monumento-Navotas
  • Monumento-Malanday

Kung kukulangin, tiniyak ni Romualdez na magdaragdag pa sila ng mga bus sa kabuuan ng transport strike para matulungan ang mga mananakay.

Binigay naman sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang awtoridad kung saan ide-deploy ang mga bus na kinuha.

“Kawawa po naman ang ating mga commuters na sila ang laging naiipit at nahihirapan tuwing magkakaroon ng ganitong transport strike,” ani Romualdez.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter