HINIMOK ng Malakanyang ang lahat na lumahok sa kanilang Nationwide Parol-Making Competition ngayong holiday season.
Base sa FB post ng Office of the Press Secretary (OPS), nag-anyaya ito na
ibida ang kahusayan at pagkamalikhain ng probinsya sa paggawa ng parol.
Paalala ng OPS, ilang araw na lang ang natitira para ipasa ang mga entry sa Isang Bituin, Isang Mithiin: Nationwide Parol-Making Competition.
Nakatakda namang ihayag ang mga wagi sa kompetisyon sa Disyembre 3, 2022.
Makatatanggap naman ang mga ito ng PHP 500,000 para sa 1st place, PHP 300,000 para sa 2nd place, at PHP 100,000 sa 3rd place.
Sa Facebook post naman ng Social Secretary’s Office, iaanunsyo sa November 14 ang provincial winners.
Pagdating naman ng November 19 ay nasa Malacañang na dapat ang mga parol na wagi sa provincial level habang December 3 ang lighting event.