Malakanyang nagdaos ng konsiyerto, upang simulan ang 1-year countdown para sa pagho-host ng FIVB Men’s Volleyball sa 2025

Malakanyang nagdaos ng konsiyerto, upang simulan ang 1-year countdown para sa pagho-host ng FIVB Men’s Volleyball sa 2025

PINANGUNAHAN ng Pangulo ang ‘PH to Serve’ Concert para sa One-Year Countdown ng Philippine Hosting ng FIVB Volleyball Men’s World Championship sa susunod na taon.

Ginanap ang konsiyerto sa Kalayaan Grounds sa Palasyo ng Malacañan nitong gabi ng Linggo.

Layunin ng event na suportahan ang Alas Pilipinas — ang men’s national volleyball team — sa pagsisimula nila ng paghahanda para sa major sporting event na nakatakda mula Setyembre 12-28, 2025.

Nagpakita naman ang Palasyo ng malakas na suporta mula sa mga ahensiya at sports bodies na walang sawang nagtatrabaho para matiyak ang matagumpay na pagtatanghal ng FIVB Men’s World Championship.

Itinampok sa mga pagtatanghal ang mga world-class na talento mula sa mga Pilipino na kumatawan sa bansa sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) at dalawang special acts na nagpapamangha sa mga manonood sa kanilang kakaibang visual artistry na nagpapaliwanag sa entablado.

Makikita sa FIVB Men’s World Championship ang 32 pambansang koponan na mag-aagawan para sa pinakamataas na premyo ng volleyball.

Ang tournament ay may dalawang automatic qualifiers, ang Pilipinas bilang host country at defending champion na Italy.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble