Malakanyang, tiwala na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang pandemic recovery plan

Malakanyang, tiwala na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang pandemic recovery plan

TIWALA ang Malakanyang na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang pandemic recovery plan ng kasalukuyang pamahalaan.

Ang naturang new normal economic recovery plan ay nakasaad sa Executive Order (EO) No. 166 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa naturang EO, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pag-adopt sa 10-point agenda na nakatuon sa pagpapanatili at pagpapabilis sa economic recovery ng bansa mula sa COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng whole-of-government approach.

Gayunpaman, nilinaw ni Acting Presidential Spokesman Martin Andanar na ang naturang EO ay hindi COVID-19 exit plan ng administrasyon.

Bagkus, bahagi aniya ito sa pagpapatatag ng bansa sa ilalim ng new normal.

Dagdag pa ni Andanar, maliban kung ang Executive Order No.166 ay binago o binawi, ito ay mananatiling epektibo at gumagana.

Sa ilalim ng nasabing Order na nilagdaan nito lamang Marso 21, nakasaad dito na kabilang sa Ten-Point Agenda on Economic Recovery ang pagpapalakas sa healthcare capacity, pag-accelerate at pagpapalawak ng vaccination program.

Kasama rin ang muling pagbubukas ng ekonomiya at pagpapalawak ng public transport capacity, pagpapatuloy ng face-to-face learning, pagbabawas ng restriksyon sa domestic travel at standardize LGU requirements, relax requirements para sa international travel at pag-accelerate ng digital transformation sa pamamagitan ng legislative measures.

Kaugnay nito, nagpasalamat ang mga economic managers kay Pangulong Duterte sa pagsuporta sa 10-point-policy agenda ng Economic Development Cluster para magtuloy-tuloy ang ‘recovery’ ng bansa.

Pahayag ng economic team, kapuri-puri ang ‘decisive steps’ ng Pangulo na nakalinya sa economic recovery programs.

Sa ilalim ng Alert Level 1, sa pagtaya ng National Economic and Development Authority (NEDA), maaaring makakuha ang ekonomiya ng humigit-kumulang PHP 10.8 bilyon bawat linggo ng aktibidad na pang-ekonomiya.

Bukod sa nabanggit, mababawasan rin ang bilang ng mga ‘unemployed’ o walang trabaho ng humigit-kumulang 195,000 sa susunod na kwarter ng taon sa ilalim pa rin ng Alert Level 1.

Follow SMNI News on Twitter