Malakanyang, umapela sa Kongreso na bigyan ng special powers si Pangulong Duterte sa COVID-19

UMAPELA ang malacañang sa Kongreso na magdeklara na ng national emergency at bigyan ng special powers si Pangulong Rodrigo Duterte para masolusyunan ang krisis na dulot ng COVID-19 sa bansa.

Sa sulat na ipinadala kay Senate President Vicente Sotto III noong Marso 21, 2020, iginiit ni Pangulong Duterte ang pagbuo ng panukalang batas na magpapahintulot sa gobyerno na pansamantalang i-take over ang pangangasiwa sa operasyon ng mga privately owned na public utilities at business.

Kabilang dito ang hotels, public transportation, at telecommunications entities.

Inaasahan na matatalakay ito ngayon sa special session na ipinatawag ni Pangulong Duterte.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.