Malakanyang, umapela sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa booster shoot

Malakanyang, umapela sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa booster shoot

UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon patungkol sa COVID-19 booster shots.

Nakarating sa Malakanyang na ipinakalat ng ilang grupo ang isang video clip ni Pangulong Rodrigo Duterte na nirekord noong September 30, 2021.

Sinabi ni acting Presidential spokesperson at cabinet secretary Karlo Nograles na batay sa nakasaad sa video, binanggit ng pangulo na sapat na ang pagtanggap ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines.

Giit ni Nograles, ginamit ngayon ang naturang video para ikampanya laban sa administrasyon sa isinusulong na `covid-19 booster shots.

Sa panahong iyon ng buwan pa ng Setyembre, paliwanag ni Nograles, 21-M mga pilipino ang fully vaccinated at prayoridad pa ng pamahalaan sa pagkakataong iyon na tumaas pa ang bilang ng makatatanggap ng dalawang doses ng bakuna.

Subalit iba na ang sitwasyon ngayon, saysay ng palace official.

Sambit nito na pagsapit noon ng Nobyembre ng 2021, batay sa rekomendasyon ng health experts, inaprubahan ng gobyerno ang paggamit ng booster shots para sa lahat ng fully vaccinated individuals.

Ito’y lalo na mayroon nang sapat na suplay ng bakuna ang bansa at ang substantial percentage ng populasyon ay fully vaccinated na.

At noong December 21, 2021, upang mahikayat pa ang publiko na kumuha ng kanilang booster jabs, ay hinimok ni Pangulong Duterte ang mamamayan na samantalahin ang maraming suplay ng COVID vaccines sa bansa at magpaturok na ng booster shots.

Base sa pahayag ng mga eksperto, malinaw ang mga ebidensya na nagbibigay ang booster shots ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

Samantala, umapela rin ang Malakanyang sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon na magdudulot ng panganib sa buhay ng bawat isa at kompromiso sa pagpupursige ng pamahalaan na mapigilan ang paglaganap ng Coronavirus lalo na ng highly-transmissible na Omicron variant.

SMNI NEWS