Malakas na ekonomiya ng bansa dalangin ni Pastor Apollo sa bagong administrasyon

Malakas na ekonomiya ng bansa dalangin ni Pastor Apollo sa bagong administrasyon

MAS maraming investment, karunungan sa mga bagong lider ng bansa para mapalakas pa ang ekonomiya ang pangunahing dalangin ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa bagong administrasyon ngayong tapos na ang halalan.

Sa kanyang programang Powerline, sinabi ni Pastor Apollo na ang problema sa ekonomiya ang malaking hamon ngayon na kahaharapin ngayon ng bagong administrasyon dahil sa pananalasa ng pandemyang dala ng COVID-19.

Maliban pa dito, sinabi rin ni Pastor Apollo na kailangang mapalakas ng bagong administrasyon ang ekonomiya ng bansa para mapatunayang mali ang mga pagdududa ng iilan sa kanilang pamumuno.

Samantala, muli ring tiniyak ni Pastor Apollo ang patuloy na pagbibigay ng suporta kay outgoing President Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa butihing Pastor, bagama’t marami ang nalulungkot sa pagtatapos ng termino ng Pangulo, kailangan naman nito ng pahinga lalo na sa panahon ngayon.

Sa ngayon, posibleng ipoproklama ng Kongreso sa Mayo 27 at 28 ang mga nanalo sa 2022 national at local elections kung saan nangunguna sa mga kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo si Bongbong Marcos Jr. at Mayor Inday Sara Duterte.

Follow SMNI NEWS in Twitter

 

Follow SMNI NEWS in Twitter