Malakas na ekonomiya ng bansa dalangin ni Pastor Apollo sa bagong administrasyon

Malakas na ekonomiya ng bansa dalangin ni Pastor Apollo sa bagong administrasyon

MAS maraming investment, karunungan sa mga bagong lider ng bansa para mapalakas pa ang ekonomiya, ang pangunahing dalangin ni Pastor Apollo Quiboloy sa bagong administrasyon ngayong tapos na ang halalan.

Sa kanyang programang Powerline ngayong araw, sinabi ni Pastor Apollo na ang problema sa ekonomiya ang malaking hamon ngayon na kakaharapin ngayon ng bagong administrasyon dahil sa pananalasa ng pandemyang dala ng COVID-19.

Maliban pa dito, sinabi rin ni Pastor Apollo na kailangang mapalakas ng bagong administrasyon ang ekonomiya ng bansa para mapatunayang mali ang mga pagdududa ng iilan sa kanilang pamumuno.

“Ang kinakaharap ng ating susunod na pangulo ay ang ating ekonomiya. Everything in this country or in any other country, particular our country the Philippines, boils down to the economy. The economics what makes this world go round, the economic system. So, our economy should be robust,” pahayag ni Pastor Apollo.

Samantala, muli ring tiniyak ni Pastor Apollo ang patuloy na pagbibigay ng suporta kay outgoing President Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa butihing Pastor, bagama’t marami ang nalulungkot sa pagtatapos ng termino ng Pangulo, kailangan naman nito ng pahinga lalo na sa panahon ngayon.

“Bago po tayo manalangin, ako po ay nananalangin sa ating susunod na administrasyon at magpapatuloy na mananalangin din sa ating Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan siya ng malakas na pangangatawan, health, at siya ay bigyan naman ng… deserving ang kanyang rest na kailangan ngayong panahon na ito. Although the country really are grieving because he is already stepping down and leaving, but all we can do now is pray for Him, and pray for the incoming administration,” ayon sa butihing Pastor.

Sa ngayon, posibleng ipoproklama ng Kongreso sa Mayo 27 at 28 ang mga nanalo sa 2022 national at local elections kung saan nangunguna sa mga kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo si Bongbong Marcos at Mayor Inday Sara Duterte.

Follow SMNI News on Twitter