Malakas na Magnitude 6.6 na lindol, yumanig sa Cataingan, Masbate

Malakas na Magnitude 6.6 na lindol, yumanig sa Cataingan, Masbate

NIYANIG ng 6.6 Magnitude na lindol ang bayan ng Cataingan sa probinsiya ng Masbate kaninang pasado alas-8 ng umaga.

Ayon sa ulat ramdam hanggang Iloilo City ang lindol mahigit 200 kilometrong layo sa kanlurang bahagi ng Cataingan.

Narito naman intensity ng lindol sa mga lugar sa paligid ng Cataingan, Masbate:

Intensity VII – Cataingan, Masbate
Intensity V – City of Masbate, Masbate; Almagro, and Tagapul-an, Samar;
Intensity IV – Palanas, and San Jacinto, Masbate; City of Sorsogon, Sorsogon; City of Legazpi, Albay; San Andres, Quezon; Mapanas, and Palapag, Northern
Samar; Barugo, Dagami, Dulag, Julita, La Paz, Palo, and Tanauan, Leyte; City of Sagay, Negros Occidental
Intensity III – City of Baybay, Isabel, Javier, and Kananga, Leyte; Ormoc City; Mulanay, Quezon; City of Iloilo
Intensity II – Guinayangan and Lopez, Quezon; President Roxas, Capiz; Patnongon, Patnongon, San Jose de Buenavista, and Tibiao, Antique
Intensity I – Lezo, Aklan; City of Dumaguete, Negros Oriental

Instrumental Intensities:
Intensity V – Masbate City, Masbate
Intensity IV – Palo, Leyte; City of Iloilo; City of Roxas, Capiz; Naval, Biliran;
Intensity III – City of Bago, Negros Occidental; Malinao, Aklan; Pandan, Antique; Jamindan, Capiz; Ormoc City
Intensity II – Gumaca, Quezon; San Jose de Buenavista, Antique; City of Sipalay, Negros Occidental; Valderrama, Antique; Sipocot, Camarines Sur; Talibon,
Bohol; San Francisco, Cebu
Intensity I – Malay, Aklan; City of Gingoog, Misamis Oriental

Nag-iwan ng pinsala ang Magnitude 6.6 na lindol na tumama malapit sa bayan ng Cataingan sa Masbate.

Batay sa kuha ng Masbate Provincial Bureau of Fire and Protection, makikita ang gumuho ay nasirang mga bahayan, ilang sugatan na nilalapatan ng paunang lunas at pagkakaroon ng biyak ng ilang kalsada.

Sa Facebook post naman ni Sharmaine Malipot Aplacador, isang residente ng Sitio Tagaytay, Brgy. Malobago sa naturang bayan, makikita ang pagtumba ng kanilang kagamitan at pagkakaroon ng bitak sa loob ng kanilang bahay na resulta ng pagyanig.

Sa ngayon, patuloy na inaalam ng otoridad ang kabuuang pinsala ng naturang lindol.

Inaasahan naman ng Philippine Institute and Volcanology and Seismology na magkakaroon ng mga aftershock.

Wala namang banta na tsunami mula sa naranasang lindol.

Samantala, isa na ang naiulat na nasawi matapos ang pagyanig.

Kinilala ang nasawi na si Retired Police Colonel Gilbert Sauro, residente ng Sitio Alimango, Barangay Concepcion sa bayan ng Cataingan.

Habang kinilala ang nasugatan na si Ronalyn Condrillon taga-barangay poblacion sa natsabing bayan.

Nabatid na ang mga biktima ay pinaniniwalaang nabagsakan ng gumuhong bahagi ng kanilang bahay.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.