MALAKAS na pag-ulan ang posibleng rason ng pagkabitak ng mahigit kumulang na 70-meters ng Topaz Road sa Ortigas.
Ito ang ibinahagi ni Brgy. San Antonio, Ortigas Chairman Raymond Linsing sa panayam ng Sonshine Radio dahil biglaan lang aniyang lumitaw ang naturang bitak.
Posible rin aniyang nakapag-ambag ang excavation na ginagawa ng isang construction project sa lugar para lumambot ang lupa at tuluyan nang magkabitak dahil sa tuloy-tuloy na ulan.
Sinabi naman ni Linsing na walang direktang naapektuhan na mga tao dito subalit patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon lalong-lalo na kung lumalaki ba ang bitak.
Pupuntahan rin ng Mines and Geosciences Bureau ang lugar para magsagawa ng inspeksyon.