Malakas na suporta para sa mga atletang Pinoy, muling tiniyak ni Sen. Go

Malakas na suporta para sa mga atletang Pinoy, muling tiniyak ni Sen. Go

MULING tiniyak ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang malakas na suporta nito para sa mga atletang Pinoy.

Ayon kay Go na chairman ng Senate Committee on Sports, tiwala siyang mas marami pang panalo ang maiuuwi ng mga Pinoy na kalahok sa SEA Games sa Cambodia dahil kilala ang mga Pilipino sa puso na lumalaban hanggang sa huli.

“Gaya po noon, full support po ako sa ating mga atleta, in fact more or less ang naaprubahan na budget sa PSC, more or less 200 million. Ako po ang nagsulong na madagdagan ng 1 million ang budget ng PSC para sa grass roots program, para sa suporta sa ating mga atleta na nagco-compete sa SEA Games, sa Asian Games and even sa Olympics,” saad ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go.

Kasabay nito, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan na mapalakas pa ang tulong ng pamahalaan kasama ng pribadong sektor sa mga Filipino athlete.

“Pag nagsama po yan gobyerno at pribadong sektor, malayo po ang ating marating. Tulad nung 2019 number 1 tayo, nagtulungan po tayo rito, nag-host tayo dito sa Pilipinas, number 1 tayo sa ranking sa SEA Games,” dagdag ni Sen. Go.

Ibinida naman ng senador ang kaniyang panukalang naisabatas na ngayon, tulad ng National Academy of Sports, isang eskuwelahan kung saan puwedeng mag-aral at mag-training ang estudyante.

Aniya, walang masasakripisyo rito dahil puwedeng ipagsabay ang pag-aaral at pagsasanay.

Bukod dito, mayroon pang isinusulong na panukala si Go para sa kapakanan ng mga atletang Pilipino.

“Ngayon naman po meron naman akong proposed bill itong Phl Games Act of 2022 to provide a structure for a more comprehensive national sports program. Ibig sabihin nito linking grassroots sports promotion to national sports devt..parang mini Olympics itong Phl Natl Games,” ayon pa kay Sen. Go.

Ang mga isinulong na ito ni Sen. Go ay isang pamamaraan upang ma-engganyo ang mga kababayan at kabataan na ‘to get into sports’ at lumayo sa ilegal na droga.

Ang layuning ito, ani Go, ay sa pagnanais na ipagpatuloy ang kampanya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa huli, binati ni Sen. Go ang mga atletang Pinoy na kalahok sa SEA Games sa Cambodia.

Sen. Bong Go, binisita at binigyan ng tulong ang mga nasunugan sa Pritil Market sa Tondo

Ang pahayag ng senador ay kasabay ng pagbisita at pagbigay ng tulong nito sa mga nasunugan sa Pritil Market sa Tondo, Maynila nitong Miyerkules.

Ginawa ang distribusyon ng tulong sa Brgy. 91 covered court katabi ng Pritil Market.

Kabilang sa ipinamahaging tulong ng senador ay grocery packs, vitamins, facemask, t-shirt, bisikleta, bag at sapatos para sa mga estudyante at iba pa.

Bukod dito, mayroon ding hiwalay na financial assistance na ipinagkaloob mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nakatakda ring bigyan ng sustainable livelihood assistance program ang mga market at ambulant vendor na naapektuhan ng sunog.

At alinsunod sa mga pagsisikap na magbigay ng economic opportunities sa marginalized communities, muling ipinahayag ni Go ang kaniyang suporta sa sustainable livelihood program ng DSWD para sa mga kapos-palad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter