Malakihang price increase sa produkto ng petrolyo, nakaamba ngayong linggo

Malakihang price increase sa produkto ng petrolyo, nakaamba ngayong linggo

MAGKAKAROON ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa tansya, posibleng nasa 1.60 pesos hanggang 1.80 pesos ang itataas bawat litro sa gasolina habang nasa 2.60 pesos hanggang 2.80 pesos ang itataas bawat litro sa diesel.

Nasa 2.30 pesos hanggang 2.50 pesos naman ang tinatayang itataas sa bawat litro ng kerosene.

Sanhi ng price increase ang panibagong sanction na ipinatupad sa krudo na nagmumula sa Russia.

Ang taas-presyo ay ipatutupad sa Martes, January 21, 2025.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble