IPATUTUPAD na ang malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo ngayong Martes, Enero 21.
Sa abiso ng kompanyang Shell Pilipinas, Seaoil at Caltex, P1.65 sentimos ang dagdag-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.
P2.70 sentimos naman ang taas-presyo ng diesel habang 27.50 sentimos ang umento sa kerosene.
May kapareho ring taas-presyo sa gasolina at diesel ang Cleanfuel at iba pang kompanya ng langis.
Epektibo ang naturang oil price adjustment, simula alas-sais ng umaga maliban sa Cleanfuel na alas-kwatro uno ng hapon.
Ito ang ikatlong sunod-sunod na may pagtaas sa presyo ng petrolyo mula noong pagpasok ng taon.