Malakihang taas-presyo ng produktong petrolyo, epektibo na ngayong araw

Malakihang taas-presyo ng produktong petrolyo, epektibo na ngayong araw

KASABAY ng paggunita sa Semana Santa ngayong linggo, sasabayan ito ng malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo.

Sa anunsyo ng Shell Pilipinas, Seaoil at Caltex, dalawang piso at dalawampung sentimos ang dagdag sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina.

Piso at apatnapung sentimos ang dagdag sa kanilang diesel habang piso at tatlumpung sentimos naman ang umento sa kada litro ng kerosene.

May kaparehong dagdag-presyo naman sa gasolina at diesel ang Cleanfuel, Petro Gazz at ang iba pang kumpanya ng langis.

Epektibo naman ang naturang price adjustment bukas ng alas-sais ng umaga maliban sa Cleanfuel na alas-kwatro uno ng hapon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter