Malakihang taas-presyo sa petrolyo, ipatutupad ngayong Martes

Malakihang taas-presyo sa petrolyo, ipatutupad ngayong Martes

ABISO sa ating mga motorista! Asahan na ang mas mataas na presyuhan ng produktong petrolyo simula ngayong Martes, Nobyembre 12, 2024.

Sa abiso ng kompanyang Shell Pilipinas, Seaoil at Caltex, tataas ng P1.50 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

P2.10 naman ang dagdag sa diesel habang P1.20 sa kerosene.

May kaparehong taas-presyo rin sa gasolina at diesel ang Cleanfuel, Petrogazz at iba pang kompanya ng langis.

Epektibo ang malakihang taas-presyo ngayong araw, alas sais ng umaga maliban sa Cleanfuel na mamayang alas-kwatro uno ng hapon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter