NAIMBITAHAN sa pagtitipon ng isa sa pinakamalaking anti-crime group sa Pilipinas bilang panauhing pandangal ang spiritual leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at senatorial aspirant na si Pastor Apollo C. Quiboloy nitong Sabado.
Ipinahayag ng Anti-Crime and Community Emergency Response Team na may daan-daang regional at provincial directors sa Luzon ang kanilang pagsuporta sa hangarin ni Pastor Apollo para sa bansa.
Sa kaniyang mensahe na ipinaabot ng kaniyang representante na si Bro. Marlon Acobo, ipinabatid ng Butihing Pastor ang kaniyang mga plano, plataporma, at mga panukalang batas bilang isang future senator.
Isa na nga rito ang pagsulong sa zero corruption sa gobyerno na matagal nang prinsipyo ng KOJC.
“Nais niyang ipagpatuloy ang ganitong klaseng uri ng pamumuno para sa buong Pilipinas.”
“Zero corruption. Isipin niyo mga kaibigan ang isang gobyernong pangunahing prinsipyong sinusunod ay ang transparency kung saan walang lugar ang korupsiyon at ang boses ng mamamayan ang batayan ng bawat desisyon,” pahayag ni Bro. Marlon Acobo, Representative, Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy.
Kabilang din sa mga plataporma ni Pastor Apollo ay ang pagsugpo sa kahirapan, pagkakaroon ng marami, at sustainable na trabaho sa pamamagitan ng turismo, pagkakaroon ng National Super Highway System, at ang kaniyang kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad.
Ayon sa mga matataas na opisyal ng Anti-Crime and Community Emergency Response Team, sila mismo ang kakampanya kay Pastor Apollo.
“Nakita talaga namin na karapat-dapat suportahan si Pastor Quiboloy dahil makikita natin na hindi siya katulad ng iba na tatakbo lang dahil may personal na intensyon.”
“Ang iba gusto lang ng kapangyarihan, ang iba naman ay gusto lang kumita ng pera.”
“Naniniwala kami na karapat-dapat siyang suportahan dahil kapag nasa Senado na siya, sigurado kami na sa kanyang kaalaman, marami siyang magagawa para sa Pilipinas. Kitang-kita mo ang kanyang sinseridad,” wika ni Dr. Miguel Ortiz, National President, Anti-Crime and Community Emergency Response Team.
“Kung bakit kami sumusuporta kay Pastor Quiboloy dahil napakaganda nung kaniyang mga programa. Unang-una ‘yung transparency. Ito ay pagdedeklara ng giyera sa korupsiyon.”
“Dito pa lamang sa unang programa niya ay pasok na pasok na sa amin.”
“Si Pastor Quiboloy lang ang pwede talagang makagawa niyan dahil napatunayan na iyan doon sa kaniyang The Kingdom of Jesus Christ sa Davao,” saad ni Dr. Edwin S. Maniti, Vice President for Operations, Anti-Crime and Community Emergency Response Team.
Dating ikalawang pinakamataas na opisyal ng pnp, saludo kay Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy
Sa kaparehong event, ipinaabot din ng honorary founder ng nasabing organisasyon na dating ikalawang pinakamataas na opisyal ng Philippine National Police at ngayo’y first nominee ng United Frontliners Party-list ang kaniyang pagsaludo kay Pastor Apollo.
“Sa atin pong matalik na kaibigan, more than 10 years ago naging kaibigan na po natin ang ating napakasipag, napakabait, at napakamatulungin na si Pastor Apollo C Quiboloy.”
“Good luck po Pastor Quiboloy at nandito po ang buong United Frontliners na naniniwala sa mga adbokasiya na isinusulong mo.”
“Ito po ay para sa bayan at para sa ating mga kababayang Pilipino. Maraming salamat po, saludo po ako sa inyo Pastor Apollo C. Quiboloy,” ayon kay Lt. Gen. Rhodel Sarmonia (Retired), 1st Nominee, United Frontliners Party-list.
Isang religious organization, nagpahayag ng pagsuporta sa kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy
Nitong Linggo, naimbitahan din si Pastor Apollo sa Year-end Thanksgiving Anniversary ng One Way Jesus Faith Fellowship sa San Rafael, Bulacan.
Ipinaabot ng naturang simbahan ang kanilang kahandaan na suportahan ang Butihing Pastor para sa 2025 elections.
“Ang kakayahan ni Pastor Apollo Quiboloy ay isang pinuno ng bansa dahil nakita natin po natin ang kaniyang ginawa sa KOJC. Hindi lang sa KOJC, lahat ng panig ng bansa po natin hanggang sa buong mundo nakita po natin kung paano gawin ni Pastor Apollo Quiboloy ang mabubuting bagay na maging halimbawa bilang isang mabuting pinuno,” pahayag ni Pastor Fred Palabrica, One Way Jesus Faith Fellowship.
Una na ring nagpahayag ng pagsuporta sa kandidatura sa pagkasenador ni Pastor Apollo ang mag-ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Vice President Sara Duterte.
Inendorso rin ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) Laban ang Butihing Pastor.