PINANGUNAHAN ng Philippine Army 4th Infantry Division (4ID) ang paghimok sa mga kabataan ng Cagayan de Oro City sa mahalagang papel na ginagampanan nito para sa nalalapit na Barangay at SK Elections (BSKE) ngayong Oktubre.
Inimbitahan ang militar sa ikaapat na leg ng Youth Leadership Summit na ginanap sa 10th Regional Community Defense Group Headquarters, Camp Evangelista, Patag, Cagayan de Oro City.
Umabot sa 100 kabataan mula sa El Salvador City at bayan ng Manticao, Misamis Oriental ang nakiisa sa nasabing programa na layong hikayatin at ipaalala sa mga ito sa kanilang responsibilidad sa lipunan.
Kasama sa paghimok sa kanila ang pakikilahok sa mga mahahalagang isyu ng bayan, paglaban sa impluwensiya ng ilegal na droga, responsableng paggamit ng social media o internet at maging alerto laban sa communist terrorist group recruitment.