Malaking pondo para sa Mindanao sa 2023, isinusulong ni Sen. Padilla

Malaking pondo para sa Mindanao sa 2023, isinusulong ni Sen. Padilla

HINIHIKAYAT ni Sen. Robinhood Padilla ang pamahalaan na mabigyan ng malaking pondo ang Mindanao para sa taong 2023.

Partikular na sinabi nito ay ang paglalaan ng budget para sa Mindanao Development Authority (MinDA).

Maging ang airport project sa M’lang, North Cotabato na 15 taon nang ipinanukala.

Ayon kay Padilla, mahalaga ang kapayapaan sa pag-unlad dahil isa sa ugat ng kaguluhan ay ang hindi pantay-pantay na development kung kaya’t dapat matutukan ng pamahalaan ang lahat na lugar sa bansa gaya ng Mindanao.

Para sa taong 2023, P158.958M ang inilaan para sa MinDA, mas mababa ito ng P38.312-M kung ikukumpara sa P197.27-M na budget nila ngayong 2022.

Nakakuha ng malaking pondo ayon kay Padilla ay ang Luzon, sinundan ito ng Visayas at panghuli ang Mindanao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter