MALALIMANG imbestigasyon ang isasagawa ng Quezon City Police District (QCPD) kaugnay sa pagkamatay ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.
Sa naunang pahayag ng QCPD, may gunshot wounds sa kaniyang sentido ang aktor at nakahawak pa ito ng baril sa isang kamay.
Ang driver ni Valdez ang nakadiskubre na wala nang buhay ang aktor nang makita itong nakaupo sa isang upuan sa kaniyang bahay sa Casa Nueva Homes, New Manila, Quezon city noong Disyembre 17.
Ipinangako na ng QCPD na ilalabas din kung anuman ang magiging resulta ng imbestigasyon.
Samantala, respeto at privacy naman ang hiling ng anak ng aktor na si Janno Gibbs kaugnay rito.