Malawakang cleanliness drive ng Sonshine Philippines Movement, isinagawa sa Brgy. Andagao, Kalibo, Aklan

Malawakang cleanliness drive ng Sonshine Philippines Movement, isinagawa sa Brgy. Andagao, Kalibo, Aklan

NAGSAGAWA ng isang malawakang cleanliness drive na pinangunahan ng Sonshine Philippines Movement (SPM), isang organisasyong itinatag ni senatorial aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy noon pang 2005.

Ang aktibidad ay nagsimula kaninang alas-sais ng umaga kung saan daan-daang boluntaryo mula sa iba’t ibang sektor, kabilang na ang mga opisyal ng barangay, at mga miyembro ng Keepers Club International ang nakikiisa sa naturang aktibidad.

Ang mga volunteer ay nagtulong-tulong sa pagtatanggal ng mga plastik, bote, lumang damit, driftwood, sako, at iba pang basura.

Ang cleanliness drive ay pinangungunahan ng mga opisyal ng barangay, kasama ang mga lider mula sa SPM.

Kasabay ng paglilinis, pinaaalalahanan ang lahat ng mga lokal na opisyal patungkol sa tamang pamamahala ng basura bilang bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng nation-building na isinusulong ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

 

#KalinisanTatagNgBayan

#OneTreeOneNation

#PastorApolloParaSaKalikasan

#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble