NAGSAGAWA ng malawakang dredging at landfill work ang Vietnam sa iilang outposts nito sa South China Sea.
Sa kabuoan hanggang sa kasalukuyang updates, limang daan at apatnapung ektarya na sa Spratly Islands ang nilinang ng Vietnam.
Ang hakbang na ito ayon sa Center for Strategic and International Studies ng Washington ay pagpapakita ng bansa sa kanilang paninindigan na pagmamay-ari nila ang lokasyon.
Matatandaang ang Spratly Islands ay pinag-aagawan ito ng maraming bansa kasama na ang Pilipinas, China at iba pa.
Hindi naman nagbigay ng komento o paglilinaw ang Vietnam tungkol sa ulat.