Ipatutupad ng PNP ang malawakang inspeksiyon sa custodial facilities sa buong bansa kasunod ng pagkakaaresto sa 7 pulis sa Angeles City, Pampanga.
Ito’y kasunod ng pagkakaaresto sa pitong pulis sa Angeles City, Pampanga dahil sa umano’y arbitrary detention sa 13 katao.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief PGen. Benjamin Acorda, Jr. na inatasan niya ang lahat ng city at provincial director na alamin kung may iregularidad sa pagkulong ng mga suspek sa kanilang nasasakupan.
Isasama rin aniya sa pamantayan para sa promosyon ng mga opisyal ang pagtupad sa tungkulin na magsagawa ng inspeksiyon sa custodial facilities.
Tiniyak naman ni Acorda na hindi nila kukunsintehin ang maling gawain ng kanilang mga tauhan kabilang ang pag-aresto at pagkulong nang walang basehan.