Malawakang relief operations, isasagawa ng SMNI Foundation at People’s Republic of China ngayong linggo

Malawakang relief operations, isasagawa ng SMNI Foundation at People’s Republic of China ngayong linggo

LIBU-libong pamilya sa mga lugar na apektado ng Bagyong Paeng ang matutulungan sa isasagawang malawakang relief operations ng SMNI Foundation at ang People’s Republic of China.

Ang programa ay sa pamamagitan ng inisyatiba nina Pastor Apollo C. Quiboloy at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian para sa mga labis na naapektuhan ng Bagyong Paeng sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Magsisimula ang serye ng relief operations ngayong Lunes, Nobyembre 7 sa Laguna at Batangas.

Ang mga bayan ng Parang at Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao naman ang susunod na pupuntahan ng mga volunteer ng SMNI Foundation sa Nobyembre 8, araw ng Martes.

Sa Nobyembre 9 naman ang relief operations sa Visayas na isasagawa sa Capiz at Aklan.

Para sa mga nais tumulong, ipadala lamang ang inyong donasyon sa SMNI Foundation.

Follow SMNI NEWS in Twitter