Malawakang relief operations ng SMNI Foundation at People’s Republic of China magpapatuloy sa Mindanao ngayong araw

Malawakang relief operations ng SMNI Foundation at People’s Republic of China magpapatuloy sa Mindanao ngayong araw

NAIBAHAGI na ng SMNI Foundation at People’s Republic of China ang daan-daang tulong para sa mga nabiktima ng Bagyong Paeng sa Laguna at Batangas.

Mahigit kumulang 600 na pamilya mula sa Brgy. Dila, Bay, Laguna at Brgy. Calitcalit, San Juan, Batangas ang nabiyayaan ng relief goods.

Samantala, ang mga bayan ng Parang at Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao naman ang susunod na pupuntahan ng mga volunteer ng SMNI Foundation, Nobyembre 8, ngayong araw ng Martes.

Sa Nobyembre 9 o bukas naman ang relief operations sa Visayas na isasagawa sa Capiz at Aklan.

Para sa mga nais tumulong, ipadala lamang ang inyong donasyon sa SMNI Foundation.

Ang relief operations ay sa pamamagitan ng inisyatiba nina  Pastor Apollo C. Quiboloy at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian para sa mga labis na naapektuhan ng Bagyong Paeng sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Follow SMNI NEWS in Twitter