MULING nahirang si Atty. Melanie Soriano-Malaya bilang presidente ng National Association of Business Permits and Licensing Officers (NABPLO) sa kanilang convention sa Cordova, Cebu.
Magiging pangatlong termino na ni Malaya bilang pangulo ng ahensya.
Samantala, sa isinagawang 3 araw na convention ng NABPLO, ini-highlight ang mga mahahalagang papel ng ahensya sa bawat lokalidad sa pagtataguyod ng business-friendly at kahandaan ng pamumuhunan ng mga LGU sa digital era.
Isinusulong ng ahensya ang mga makabagong reporma at programa ng local competetiveness at ang pambansang kaunlaran.