Malaysia at Saudi Arabia, nagkasundo na isapinal ang negosasyong institusyonal para sa bilateral cooperation

Malaysia at Saudi Arabia, nagkasundo na isapinal ang negosasyong institusyonal para sa bilateral cooperation

NAGKASUNDO ang Malaysia at Saudi Arabia na isapinal ang mga negosasyong institusyunal upang maitatag ang Saudi Arabia Malaysia Coordination Council, na siyang magiging pangunahing plataporma para sa bilateral cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

Ito ang sinang-ayunan ni Foreign Minister Datuk Seri Zambry Abd Kadir at ng kanyang Saudi Arabian counterpart na si Prince Faisal Bin Farhan.

Sa pulong na ginanap sa Gulf Cooperation Council Headquarters sa Riyadh, tinalakay ng dalawang ministro ang ilang mahahalagang isyu sa bilateral at multilateral.

Ayon pa kay Datuk Zambry, sinang-ayunan din ng dalawang bansa na dapat pang pagbutihin ang kooperasyon sa ilalim ng Malaysia-GCC Framework Agreement on Economic, Commercial, Investment and Technical Cooperation na nilagdaan noong 2011.

Ipinahayag din ni Datuk Zambry ang kanyang pasasalamat sa Saudi Arabia para sa tulong na ipinaabot nito sa panahon ng pandemya.

Kasalukuyan pa ring nasa Saudi Arabia si Datuk Zambry at nakatakda itong bumalik sa bansa sa Pebrero 23.

Samantala, inaasahan naman ng Saudi Arabia Administration ang opisyal na pagbisita ni Malaysian Prime Minister Datuk Seri Anwar Ibrahim sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter