Malaysia, China lumagda ng tatlong MOU na nagkakahalaga ng halos RM20-B

Malaysia, China lumagda ng tatlong MOU na nagkakahalaga ng halos RM20-B

LUMAGDA ng tatlong memorandum of understanding (MOU) ang Malaysia at China na nagkakahalaga ng halos RM20-B.

Sinaksihan ni PM Datuk Seri Anwar Ibrahim ang paglagda ng tatlong memorandum of understanding (MOU) na nagkakahalaga ng RM19.84-B sa pagitan ng Malaysian at Chinese companies.

Ayon sa PM Dept, nilagdaan ang unang MOU sa pagitan ng Citaglobal Bhd at Shanghai SUS Environment upang tuklasin ang pakikipagtulungan sa pagbuo ng waste-to-energy power plants, partikular sa Malaysia. Ang unang kasunduan ay nagkakahalaga ng RM15-B.

Ang ikalawang MOU na nagkakahalaga ng RM2.34-B ay nilagdaan naman sa pagitan ng PM Access World at Beibu Gulf Int’l Port Group.

Kabilang dito ang pakipagtutulungan sa warehousing at logistic sa pagitan ng dalawang kompanya sa pagsuporta sa New International Land-Sea Trade Corridor ng rehiyon para sa economic at trading cooperation sa pagitan ng Guangxi at Malaysia.

Habang ang huling MOU ay nilagdaan sa pagitan ng Sime Darby Oils International Limited at Guangxi Beibu Gulf Port Group na nagkakahalaga ng RM2.5-B upang magtayo ng trading at distribution center para sa refined palm oil at shortening sa Qinzhou na may tinatayang taunang dami ng transaksiyon na 500,000 tonelada.

Ang paglagda ng MOUs ay sinaksihan ni PM Datuk Seri Anwar Ibrahim, Trade and Industry Minister Tengku Zafrul Aziz, Local Government Development Minister Nga Kor Ming, Deputy Foreign Affairs Minister Datuk Mohamad Alamin, at Deputy Agriculture and Food Security Minister Chan Foong Hin.

Samantala, muling inimbitahan ni PM Anwar sina Chinese President Xi Jinping at Premier Li Qiang para sa isang opisyal na pagbisita sa Malaysia kasabay ng ika-50 anibersaryo ng Malaysia-China diplomatic relation sa 2024.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble