Malaysia, ipinagdiwang ang 65th Independence Day

Malaysia, ipinagdiwang ang 65th Independence Day

DINAGSA ng libu-libong mga mamamyan ng Malaysia ang Dataran Merdeka sa Kuala Lumpur kung saan ginanap ang programa sa pagdiriwang ng 65th Independence Day ng bansang Malaysia.

Alas 4:30 palang nitong umaga ng magsimulang magdatingan ang mga tao upang makakuha ng magandang pwesto kung saan nila papanoorin ang pagdiriwang at parada ng Araw ng Kalayaan.

Sa tema ngayong taon na “Keluarga Malaysia Teguh Bersama” (Malaysian Family, Strong Together), ang pagdiriwang ngayong taon ay nagpapahayag ng pasasalamat at pagmamalaki sa bayan.

Matapos ang dalawang taon ng pandemya ng COVID-19, sa unang pagkakataon ang parada at martsa ay nilahukan ng halos 20,000 katao kabilang ang frontliners, government workers, public order, national security at ang Malaysian Family, na sinamahan ng isang air show.

Samantala, hindi naman makakaila sa mga mukha ng libu-libong tao ang kasiyahan sa pagdalo sa Dataran Merdeka upang ipagdiwang ang pambansang araw nang sama-sama katulad na lamang ng ilang kabataan na nasaksihan ang pagdiriwang sa unang pagkakataon.

Bukod sa mga lokal na Malaysians ay buong galak ding ibinahagi ng nakapanayam na mga dayuhan ang kanilang karanasan sa pagdiriwang ng ito.

Ang Merdeka Day ay ipinagdiriwang tuwing katapusan ng Agosto kung saan ito ang nagpapaalala sa mga mamamayan ng bansa sa ginawang sakripisyo at kontribusyon ng mga ninuno nito na nabuhay sa panahon na ang bansa ay hindi pa malaya mula sa mga mananakop.

Follow SMNI NEWS in Twitter