SUMANG-AYON ang gobyerno ng Malaysia na kumuha ng 10,000 manggagawa mula sa Sri Lanka dahil sa krisis sa ekonomiya ng bansa sa Timog Asya.
Ayon kay Human Resources Minister Datuk Seri M. Saravanan, gumawa ng opisyal na kahilingan ang gobyerno ng Sri Lanka na matustusan ang kakulangan ng mga migranteng manggagawa sa Malaysia.
Samantala, sinabi ni Datuk M. Saravanan na dapat umanong samantalahin ng mga employer na nabigyan ng quota approval at nakapagbayad ng levy payment, na kunin ang mga dayuhang manggagawa na mula sa Sri Lanka.
Ang mga employers na interesado sa pagkuha ng mga Sri Lankan workers ay maaaring makakuha ng karagdagang impormasyon sa pamamagitan ng pag-email sa Migrant Workers Management Center ng kagawaran sa [email protected] o sa workforce department sa [email protected].
Matatandaan na noong nakaraang buwan, ang pagbabayad ng levy ay ginawa para sa 416,634 na aplikasyon para sa mga dayuhang manggagawa.