Malaysia, naglunsad ng isang programa vs sa pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue

Malaysia, naglunsad ng isang programa vs sa pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue

NAGPATUPAD ng isang inisyatiba ang Ministry of Health sa Malaysia upang labanan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa.

Tumaas ng 139 % ang bilang ng kaso ng dengue fever mula enero hanggang Hulyo ngayong taon na may 59,057 na kaso kumpara sa 24, 743 na naitala noong nakaraang taon.

Ayon kay Health Minister Dr. Zaliha Mustafa, naiulat din ang rate ng pagkamatay dahil sa dengue fever na tumaas ng 122% kumpara noong taong 2022.

Pinakamataas ang bilang ng kaso na naitala sa estado ng Selangor.

Dahil dito, nagpatupad ng inisyatiba ang MOH na isasagawa dalawang beses sa isang taon kung saan aalisin ang mga pinagmumulan ng mga lamok na aedes, ang naturang programa ay ang Gotong Royong Mega Perangi Aedes 1.0

Bukod pa rito, ipinakilala rin ng MOH ang ‘One Hour Malaysia Clean Up’ upang matiyak na maisasakatuparan ang lahat ng pagsisikap na malabanan ang pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa.

Nananawagan naman ang MOH sa publiko at maging sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na makilahok sa naturang programa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter